Nahaharap sa kasong pandarambong at malversation of funds ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag at anim na iba pang opisyal ng ahensiya.
Inihain ni BuCor acting chief Gregorio Catapang Jr. ang mga kaso noong lunes, Feb. 6, sa Department of Justice (DOJ) kung saan inakusahan nito si Bantag at kanyang grupo ng sabwatan sa pagpapagawa ng tatlong bilangguan na nagkakahalaga ng 1 bilyon piso.
Bukod pa rito, nahaharap din sa kasong graft and corruption at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si Bantag.
Sa anim na pahinang reklamo, sinabi ng BuCor na isang bilyon pisong proyekto para sa pagpatatayo ng mga bilangguan sa Davao Prison and Penal Farm, Leyte Regional Prison, at Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan ang sumailalim sa bidding noong Setyembre 17, 2020 habang si Bantag ang nakaupong direktor.
“Respondent Bantag in conspiracy with, and with indispensable complicity of, the other herein respondents, has purposely and systematically orchestrated the diversion/misappropriation and/or consenting or permitting other persons, to take public funds, of the Bureau of Corrections,” ayon sa reklamo.
Ayon kay Catapang, minanipula umano ni Bantag at ng kanyang grupo ang resulta ng bidding matapos nitong bumuo ng hiwalay na BuCor Bidding and Award Committee (BAC) para sa pagpapatayo ng tatlong nabanggit na imprastraktura.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina BuCor Technical Supt. Arnold Guzman, Insp. Ric Rocaturba, Insp. Solomon Areniego, Technical Officer 1 Jor-el de Jesus at CTO2 Angelo Castillo at Alexis Catindig.
Matatandaang may una nang hinaharap na kasong murder si Bantag sa nangyaring pagpaslang sa broadcaster at commentator na si Percival “Percy Lapid” Mabasa noong nakaraang taon.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Winning entries of the Philippine Amusement and Gaming Corporation’s (PAGCOR) 2024 Photography Competition are now
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.