Arestado ang tatlong suspek, kabilang ang isang Danish national sa pagpatay umano sa kapatid ni Valencia Mayor Edgar Teves Jr. sa Negros Oriental noong Lunes, Feb. 6.
Kinilala ang mga suspek na sina Tim Moerch, 45-anyos, pansamantalang nanunuluyan sa Valencia, ang kanyang kinakasama na si Myla Cagasan, 40, residente ng Brgy. Cadawinonan, at John Edward Remollo alyas Wolverine ng Brgy. Looc.
Ayon sa hepe ng Valencia Police na si Maj. Roger Quiano, naaresto sina Moerch at Cagasan ilang oras matapos matagpuan ang bangkay ng 42-anyos na si Don Paulo Teves na nakabalot ng plastic bag at kumot sa Purok 3 Brgy. Calaguyan.
Naaresto naman ng mga awtoridad si Remollo kinabukasan, Feb. 7.
Base sa salaysay ng saksi, namataang huling kasama ng biktima ang mga suspek sa tinutuluyang bahay ni Moerch sa West Balabag, Valencia linggo ng gabi bago ito natagpuang patay kinaumagahan, ayon kay Quijano.
Isang putok ng baril daw ang narinig ng isang saksi sa loob ng bahay ni Moerch nung gabing yun subalit hindi pa matukoy ng pulisya kung sino ang may gawa nito.
Ayon sa awtoridad, isang tama ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Nahukay naman ang isang homemade na 5.56mm revolver sa ng bahay ng banyaga, ayon kay Quijano.
Personal na sama ng loob umano ang nakikitang dahilan sa likod ng nangyaring pamamaslang.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.