Sumiklab na naman si Senator Raffy Tulfo sa senado kaugnay sa malupit na pagkamatay ni Jullebee Ranara.
Harap-harapang sinopla ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Migrant Worker (DMW) sa kanilang paliwanag sa Senado na dumadaan daw sa “butas ng karayom” ang pag-apply ng mga recruitment agency bago ito nabigyan ng permit para mag operate.
Buwelta ni Senator Tulfo,“anong sinasabi niyo na dumadaan sa butas ng karayom, baka sa malaking butas ng drum!”
“Marami pa rin akong natatangap na reklamo from the OFW themselves na nagpalit lang ng pangalan ang mga agency, ang may-ari niyan, sila-sila pa rin, yun pa rin ang nag-recruit sa kanila at nakalusot” ayon kay Tulfo.
Sinubukan pang humirit ni DMW Usec. Bernard Olalia, “Mr. Chair, mayroon po kaming proseso na tinatawag na surveillance at spot inspection kapag po kami ay nakabalita na ito ay dummy lamang pupuntahan po namin yan ora-orada ng walang abiso at warning kapag nakita po namin na ay yung nakaupo ay gaya ng sinabi po ninyo sigurado po dadaan yan sa proseso para kanselahin ulit.”
Subalit sinopla ni Senator Tulfo ang sagot na ito ng Usec ng DMW. Puntahan at bisitahin daw nila ang accommodation ng mga OFW upang makita ang totoong sitwasyon ng mga ito.
“Parang mga sardinas, kinakawawa, kinukulong at kinakandado at hindi pinapakain ng maayos, kung gumawa ng spot inspection, even while we speak marami dyan na mga recruitment agency na naka-tengga” paliwanag ni Raffy Tulfo.
“Ang mga OFWs, naghahantay, pinapakain ng sardinas, siksikan sila kinukulong sila baka makatakas daw, kinakandado, kapag nasunog tostado sila, is that spot inspection?” dagdag ng senador.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.