Triple pay ang mga single na empeyado ng lokal na pamahalaan ng General Luna, Quezon sa Valentine’s Day, masayang pagbabalita ni Municipal Mayor Matt Florido.
Ayon sa alkalde, makakatanggap ng karagdagang bayad ang mga “single since birth” na mga empleyado pati narin ang mga wala pang nakarelasyon sa nakaraang limang taon na magtatrabaho sa araw ng mga puso sa Pebrero 14.
Samantala, ang ibang single na mga empleyado na hindi kwalipikado ay maaaring makapamili kung sila ay tatanggap ng double pay sa Peb. 14 o kaya naman leave with pay sa Peb. 13 para ma-enjoy ang kanilang long weekend.
“Sa mga kwalipikado, maaaring i-sumite sa Mayor’s Office o sa HRMO ang inyong aplikasyon para sa nasabing benepisyo,” ani ng alkalde sa kanyang social media post.
Isang special committee ang mag susuri sa mga matatanggap na aplikasyon ayon kay Florido. Pinaalalahanan naman nito ang kanyang mga empleyado na “mahalaga ang katapatan.”
Paglilinaw ng alkalde, personal niyang sasagutin ang gagamitin sa nasabing benepisyo at hindi kukunin sa pondo ng lokal na pamahalaan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.