Kung noon halos walang kasiguruhan ang mga magsasaka sa kanilang lupang sinasaka, ngayon unti-unti nang natutupad ang kanilang mga pangarap na makapagtanim sa sarili nilang sakahan.
Ito ay matapos ipagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang individual electronic land titles (e-titles) sa 16,888 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa sa ilalim ng DAR Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT.
Ayon kay Engr. Joey Sumatra, DAR Assistant Secretary for Policy, Planning and Research Office (PPRO) at kasalukuyang SPLIT national director, ang nasabing mga ARB ay nakatanggap ng kabuuang 18,802 e-title na sumasaklaw sa 23,898 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura sa buong bansa.
Gayunpaman, nilinaw ni Sumatra na ang mga bagong na-validate na lupaing pang-agrikultura ay sasailalim pa rin para sa re-documentation upang makumpleto ang mga kinakailangang dokumento para sa bawat ARB para sa pagsusumite sa mga Registry of Deed (ROD) para sa pagpaparehistro.
Samantala, sinabi naman ni DAR Secretary Conrado Estrella III na ang mga dokumento ng 38,196 ektarya ng mga sakaran ay naisumite na sa iba’t ibang RODs sa buong bansa at inaasahang ilalabas at ipapamahagi sa mga ARB ngayong taon.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.