Ginisa ng mga mambabatas ang isang trader na inakusahang hoarder ng sibuyas.
Sa pagharap ni Lilia Leah Cruz sa House Committee on Agriculture and Food tahasang itinanggi niya na hoarder siya ng sibuyas.
Depensa ni Cruz, magsasaka siya sa Nueva Ecija at may mga sumasabotahe lamang umano sa kanya at sinasangkot siya na hoarders ng mga sibuyas sa bansa.
Subalit sa pagtatanong ng mga mambabatas, hindi masagot ni Cruz kung ilan ang ektarya ng lupa ang kanyang sakahan.
Iprinesenta ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta ang mga impormasyon na namamakyaw ng sibuyas si Cruz pero nawawala ang mga supply.
“Gusto ko malaman kung siya ang hoarder o farmer, bakit pinupuntahan ninyo ang mga farmers kayo ang nagpi-finance sa kanila , kayo ang bumibili pero nawawala ang binibili ninyong sibuyas at bawang hanggang sa wala ng mabili.” ayon kay Marcoleta.
Hindi rin ikinatuwa ni Pangasinan 3rd district Rep. Ma. Rachel Arenas ang mga “inconsistent documents” na ipresenta sa kanila.
“Nakakalungkot because alam ho natin, hindi ko kailangang sabihin, mayroon pong hindi nagsasabi ng totoo.” ani Arenas
Inihayag naman ni 2nd District Quezon Rep. David “JayJay “ Suarez na may impormasyon siyang nabigyan ng 2,000 permits sa importasyon.
Halos hindi naman nakasagot si Cruz sa bintang ni Suarez.
Samantala, hindi rin ikinatuwa ng mga mambabatas ang mga sagot at impormasyon mula sa dumalong resource person ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant and Industry (BPI).
Sa pagtatanong ng mga mambabatas, hindi maipaliwanag ng BPI ang sinasabi nitong mayroong 39 percent increase sa demand ng sibuyas.
Tila gawa-gawa lamang daw ng BPI ang pagtaas sa demand para lamang umano palabasin na may shortage upang tumaas ang presyo ng sibuyas.
Sinabi naman ng BPI na ibinabatay lamang nila ang mga datos sa supply and demand monitoring.
Magpapatawag muli ng pagdining ang mga Kamara sa darating na Pebrero 14.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.