Nanawagan ang isang amang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia matapos bawian ng buhay ang kaniyang anak.
Sa private message na ipinadala sa #ipaBITAGmo ni Albert Nicolas, ang poste ng kuryente sa kanilang probinsiya sa Butuan City, Agusan Del Norte ang itinuturong dahilan na pagkamatay ng kaniyang 19-anyos na anak na lalaki.
“Ako po ang ama ng namatay na binata sa amino probinsiya. Humihingi po amo ng tulong sa Inyo na matanggal na ang poste sa gitan ng kalsada. Hindi lang po ang anak ko ang namatay dahil sa poste na ‘yan,” panawagan ni Albert.
[screenshot ng VTR ni Albert nananawagawan]
CAPTION: Screenshot mula sa video ng panawagan na ipinadala ni Albert Nicolas sa BITAG
Ayon sa hepe ng Maintenance Section ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Butuan City, ang mga posteng tinutukoy ni Albert ay pagmamay-ari ng Agusan del Norte Cooperative, Incorporated (ANECO)
[photos of the poste]
CAPTION: Posteng pagmamay-ari ng ANECO na sahnig ng pagkamatay ng anak ni Albert Nicolas.
“Hindi nila (ANECO) mailabas ‘yung poste dahil magbabayad sila at kailangan ng budget. Pina-submit na namin sila ng list ng kanilang mga poste para mailipat na” paliwanag ni Engr. Reynaldo Canlas.
Dagdag ni Engr. Canlas, dapat makipagtulungan ang electric cooperative sa National Electrification Administration (NEA) upang mapabilis ang paglabas ng budget sa gagawing paglipat ng mga poste.
“NEA po ang mag-estimate kung magkano ang babayran sa bawat poste. NEA rin po ang magtatalaga ng pondo,” patuloy na paliwanag ni Engr. Canlas sa on-air interview sa kanina ng program host na si Ben Tulfo.
Samantala, aminado naman ang ANECO na pag-aari nga nila ang inirereklamong poste. Apektado raw ang posisyon nito nang magkaroon ng road widening ang DPWH.
“Kung ‘yan ay poste na pagmamay-ari ninyo, wala ba kayong gagawin? Baka may sumunod pa na mamatay dahil sa lintik na poste na ‘yan, makipag-ugnayan na kayo agad-agad sa NEA at sa DPWH,” diretsahang mensahe ni Tulfo sa Technical Manager ng ANECO.
Nangako ang representante ng ANECO na agaran silang kikilos. Humihingi ito na bigyan lsila ng sapat na panahon upang maisaayos ang mga poste.
Mungkahi ni Mr. Ben Tulfo, habang naghihintay ay dapat lagyan ng ANECO ng mga signage and warnings ang mga poste upang maging ligtas sa mga motorista.
Ang kabuuan ng sumbong at aksiyon, mapapanood sa #ipaBITAGmo:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.