ILANG lingo na ang nakalipas. Tila nakalimutan na ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang kaniyang dapat na pasabog.
Sinabi niya, isa-isang ipapatawag sa kongreso ang 7 kartel na nasa likod umano ng onion smuggling at hoarding sa Pinas.
Etong mga tinamaan ng lintek na kartel daw ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng ating sibuyas.
Hamon pa ng mambabatas, silipin ang Subic port dahil nandoon ang 50 containers na naglalaman umano ng mga sibuyas na sadyang inipit ng mga kartel.
Aniya, sa ikalawang congressional ng hearing na dapat ginanap noong January 30 ay papangalanan ng Ways and Means Committee ang mga putok sa buhong ulo ng kartel.
Ilang araw bago ang ikalawang hearing, tumawag ako sa tanggapan ni Cong. Salceda. Nakausap ko sa telepono si Atty. Caroline Cruz-Sabio, Senior Chief of Staff– kinumpirma niyang may mga ilalabas ngang mga pangalan ang mambabatas.
Subalit habang sinusulat ko ang kolum na ito, wala pa rin ang pangalan ng mga hinayupak na dapat nailabas na ni Cong. Salceda.
Cong, anong petsa na? May ilalabas ka pa ba talaga? May pa-aid-aid of legislation ka pang nalalaman na naaapektuhan kamo ang ekonomiya.
Baka nakalimutan mo lang, this is a kind reminder.
Kami kasi sa BITAG, walang sakit na kalimot. Kaya nagpapaalala lang.
Bumababa na nga ang presyo ng sibuyas dahil may mga nakapasok ng suplay.
Nagtagumpay na sa una ang mga kartel, ang lagay, forgive and forget na lang?
Katulad ng isang tinatrabaho ng BITAG ngayon na sumbong ng isang reseller ng sibuyas. Inorder niya ang 1,200 kilosng pulang sibuyas mula Ilocos.
Pagdating nga mga sibuyas sa Pasay, Manila, ang sana’y 120 bags na papuntang Bicol, nawawala.
Scam o naharang ng mahigpit na agricultural checkpoint ng mga pulis?
O Cong. Salceda, nag-aantay pa rin kami sa BITAG ha.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.