Mahigit P180 milyong halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nadiskubre sa loob ng isang abandonadong sasakyan sa Parañaque City kahapon, Pebrero 9.
Ayon sa Parañaque City Police, isang barangay tanod ng Barangay Tambo ang lumapit sa kanilang himpilan matapos nitong mapansin ang kahina-hinalang pulang Toyota Innova na iniwang sa kahabaan ng Quirino avenue alas dos ng madaling araw.
Nang inspeksyunin ang sasakyan, natagpuan ng mga awtoridad ang isang kulay brown na backpack kabilang ang isang kahon at sako sa passenger seat ng sasakyan.
Sa patuloy na pagsusuri ng pulisya, napag alaman na naglalaman ito ng dalawampu’t-pitong (27) vacuum-sealed tea pack ng hinihinalang shabu na aabot sa 27 kilo ang timbang at nagkakahalaga ng humigit kumulang P183,600,000.
Ang umano’y ilegal na droga ay itinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit habang inaalaman pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.
Samantala, binigyang pugay naman ni National Capital Region Police Office Chief, PMGen. Jonnel Estomo ang barangay at pulisya sa kanilang ginawang agarang aksyon.
“I commend the vigilance of our force multipliers working together with our police force in keeping our people safe and secured at all times,” wika ni Estomo.
“Considering the time of the report and the immediate action of our policemen indicates that they are very much awake white our people are fast asleep,” dagdag pa ng NCRPO Chief.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.