Tatlumpu’t limang ulat ng insidente ang mabilis na narespondehan ng kapulisan sa pamamagitan ng S.A.F.E. App Alert simula Enero 13, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO)
Sa numerong ito, pito ay nanggaling sa Northern Police District, 6 ay nagmula sa Eastern Police District, Manila Police District (2), Southern Police District (4), at Quezon City Police District (16). Habang siyam naman sa 35 ay maling tawag o hindi sinasadyang napindot.
Ang S.A.F.E. ay isang app na inilunsad ng NCRPO upang mas mabilis na matugunan ng kapulisan ang anumang uri ng insidente sa Kamaynilaan.
Ang S.A.F.E App ay konektado sa isang alert server na binabantayan ng Tactical Operation Centers (TOCs) ng NCRPO. Ang mga ulat ay ipinapadala sa pamamagitan ng short messaging system (SMS) at hindi na kinakailangan ng internet connection o mobile data upang magamit ito.
“Habang ang ating mga kaabayan ay tulog, ang kapulisan ng NCRPO ay laging gising upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan,” ani NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel Estomo matapos ang matagumpay na implementasyon nito.
“Makakaasa ang ating mga kababayan sa patuloy na implementasyon ng App Alert na ito upang agarang matugunan at marespondihan ang kanilang pangangailangan,” dagdag ni Estomo.
Sa kasalukuyan, ang mga barangay sa buong Metro Manila pa lamang ang nakakagamit ng SAFE app. Ayon sa NCRPO, palalawigin nila ito sa mga eskwelahan, ospital at simbahan sa ikalawang bahagi ng kanilang proyekto.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.