Nangangamba ngayon ang lokal na pamahalaan ng Batangas sa 300 square meters lawak ng oil spill dulot ng lumubog na tugboat sa Barangay Subukin San Juan, Batangas.
Ayon sa LGU ng Batangas, posibleng makaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda ang nangyaring insidente gayundin sa turismo at marine ecosystem kung saan naroon ang mga fish nurseries.
Nagsagawa kahapon ng vessel inspection at shoreline assessment ang Philippine Coast Guard (PCG) at Marine Environmental Protection Group-Batangas upang malaman ang naging epekto ng pagtagas ng langis sa karagatan.
Kasalukuyan din nagsasagawa ang PCG kasama ang mga miyembro ng M/TUG Strong Bravery ng manual oil spill recovery gamit ang sorbent pads at empty drums.
Base sa ulat, hinampas ng malaking alon ang tugboat na M/TUG Strong Bravery noong Miyerkules habang nakadaong sa dalampasigan na naging dahilan umano ng paglubog nito. Lulan ng tugboat ang mahigit 5,000 litro ng sari-saring langis.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.