Komplikado ang sumbong na inilapit ng ginang na si Zell Villegas sa public service program sa IBC TV13 na #ipaBITAGmo.
Ang kaniyang mister na si Igmedio Pagal, naka-confine noong mga oras na iyon sa San Mateo Doctors Hospital. A-8 ng Enero ng sumailalim si Igmedio sa appendectomy.
Sumbong ni Zell, halos tatlong linggo na matapos na operahan ang kaniyang mister subalit hindi pa ito pinapalabas ng ospital.
Ayaw daw ng ospital na tumanggap ng “promissory note.” Pilit umanong pinapabayaran ng buo ang kanilang hospital bill na umabot na sa P224,000.
Sa panayam ng program host na si Ben Tulfo kay Dr. Francisco Pua, Administration Officer ng San Mateo Doctors Hospital, itinanggi nito ang sumbong ng ginang.
Bagamat tumatanggap ang ospital ng promissory note, hinihiling nila na mabayaran kahit kalahati ng medical bill ng pasyente.
“Mr. Tulfo, nangako ang asawa ng pasyente na pagtutulungan ng kanilang pamilya ang gastos sa magiging operasyon kaya naoperahan ito nang hindi sila hinihingian ng downpayment. Hindi naman po pwedeng lahat ay promissory note lang, kailangan din ng ospital ng panggastos,” malumanay na paliwanag ni Dr. Pua.
Dagdag ni Dr. Pua, pangatlong ospital na silang nilapitan ng mag-asawa. Nasa pampublikong ospital na umano ang mga ito subalit piniling sa San Mateo Doctors maoperahan ang pasyente dahil pumutok na ang appendicitis nito.
Depensa ni Zell, lumapit na sila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno subalit P30,000 lang ang kanilang nalikom na agad naman nilang binigay sa ospital.
Tumalikod na rin daw sa responsibilidad ang mga kapatid ni Igmedio na nangakong tutulong. Paglilinaw ng Regional Public Attorney ng PAO-CALABARZON na si Atty. Revelyn Ramos-Dacpano, “mayroon tayong batas para sa mga pasyenteng ayaw palabasin ng hospital. Republic Act 9439, ginawa ito para matulungan ang mga pasyente na nade-detain ng mas mahaba kaysa sa talagang araw ng labas ng pasyente kaya talagang tataas ang bill niyan.”
Source: https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2007/ra_9439_2007.html
Sakaling magmatigas ang ospital na hindi palabasin ang pasyente, magbibigay ng demand letter ang PAO sa hospital.
Kalakip nito ay ang promissory note mula sa pasyente na may kasamang co-maker o collateral para makatiyak na sila ay magbabayad.
Dagdag pa ng PAO, hindi na dapat i-hold pa ang pasyente sa ospital dahil habang tumatagal ay lumalaki lalo ang hospital bill na lalong magpapahirap sa pasyente na bayaran ito.
Nanawagan si Dr. Pua sa mag-asawang Zell at Igmedio, ginawa raw nila ang kanilang tungkulin bilang mga doktor, tuparin din sana ang pangakong ginarantiya ng mag-asawa sa ospital.
Samantala noong hapon din na ‘yun, ipinaabot ni Zell sa BITAG na pinalabas na ng ospital ang kaniyang mister na si Igmedio.
Sa isang unrecorded interview ng BITAG kay Dr. Pua, kinumpirma nito na siya ang tumayong guarantor para makalabas ang pasyente.
Ipagpapasa-Diyos na lamang daw nila kung babalik pa ang mag-asawa sa ospital para bayaran ang pagkakautang.
Pangako naman ng pasyente na hindi nila tatakbuhan o tatalikuran ang responsibilidad na iniwan sa hospital kahit na sila ay nakauwi na.
Ang buong sumbong at aksiyon ng BITAG, panoorin:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.