Sa katatapos na official working visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Japan, sinabi niya na kailangan nang pag-aralan ang mga foreign investment deal na kanilang nalikom sa kanyang mga overseas trips.
“The reason sabi ko itigil na natin muna lahat itong mga trip (why I said we should stop these trips for now) is because all of us, we’re going to sit down, and we’re going to talk about each and every single project that we have talked about in ASEAN, APEC, EU, New York, China, and now in Japan… “Lahat ‘yan dapat nating balikan, isa-isahin natin, alin ba talaga dito ang gusto natin? Ano yung mga priority, ano ang kailangan nating gawin para baguhin ito?” saad ni Marcos.
Ilan sa mga proyektong kailangan upuan ng kanyang economic team ay mga ang mga proyektong pinag usapan sa ASEAN, APEC, EU, New York, China, at ang pinaka huli ay sa Japan, kung saan nakapag uwi ang bansa ng $13 billion investment pledges.
Sa kasalukuyan umabot na sa $54 billion ang investment pledges ang nalikom mula sa siyam na foreign trips ng administrasyon.
Pinakamalaking nakuha ay mula sa China, na umabot sa $22.8 billion.
Samantala, sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na may ilang pledges na ang nakarehistro na sa Bureau of Investments (BOI) na nangangahulugang na ito ay sinisimulan na.
Halimbawa na lang ang kasunduan sa Toyota Motor Philippines Corporation na naglalayong ibalik ang Tamaraw FX.“I think that one is progressing well and should be starting. They probably have started the final plans to make the investments,” ani Pascual.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.