Paano nga ba kung ang pinapagawa mong bahay, sa maling lote pala itinayo ng kontraktor?
Ang masaklap pa, ang kontraktor na kausap mo, sa halip na ayusin, iniwan na lang itong nakatiwangwang.
Ganito ang masalimuot na sinapit ng mga balikbayang si Cesar at Fina Javier.
Mahigit 40-taong nagtrabaho sa Amerika ang mag-asawa. Umuwi lang sa Pilipinas si Cesar at Fina para magpatayo ng kanilang retirement home.
Dahil raw sa ganda ng mga anunsiyo sa website, na-engganyo ang mag-asawa na ipagawa ang kanila sanan retirement home sa JAO Builders.
Tatlong milyong piso ang kabuuang halaga ng ipapatayong bahay ng mag-asawang balikbayan.
Agad nilang binayaran ang 30% ng 3-milyong piso bilang downpayment at nang masimulan na ang construction ng kanilang bahay. Umabot hanggang 50% ng kabuuang halaga ang naibayad ng mag-asawa.
Subalit, dahil sa madalas na wala sa Pilipinas at nag-aasikaso ng kanilang retirement sa Amerika ay hindi nabantayan ng mag-asawa ang ipinapagawang bahay.
Huli na nang kanilang malaman na sa maling lote ng subdibisyon itinayo ng JAO Builders ang mga pundasyon at poste.
Nang magkabukuhan ay basta na lamang itinigil at iniwang nakatiwanıgwang ng JAO Builders ang ginagawang bahay nina Cesar at Fina.
Sinimulan na rin daw taguan ang mag-asawa ng mga empleyado ng JAO Builders. Mahigit 1-taon din slang nagpabalik-balik sa tanggapan ng developer.
Sa pagi-imbestiga ng BITAG, hindi lang ang mag-asawang Cesar at Fina ang mga naging biktima ng JAO Builders.
Patung-patong na reklamo sa Quezon City local government, Chamber of Real Estate and Builders Association, Inc. at maging sa Housing and Land Use Regulatory Board ang nakasampa laban sa developer.
Ang reklamong ito, idinulog sa BITAG noong taong 2014. Babala ito ng BITAG sa lahat lalo na sa mga OFW at balikbayan na nangarap magkaroon ng sariling bahay.
Nangyayari pa din ang modus na ito hanggang sa ngayon.
Panoorin kung paano tinuldukan ng BITAG ang pambibiktima ng inirereklamong JAO Builders, na ngayon ay sarado na:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.