Tinutukan ng isang military-grade laser light ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ng isang barko ng Chinese Coast Guard noong Pebrero 6 sa Ayungin Shoal.
Ayon sa ulat, dalawang beses pinatamaan ng liwanag ng China vessel ang BRP Malapascua, na nagdulot ng pansamantalang pagkabulag sa mga tripulante ng coast guard.
Bukod sa pagtama ng military-grade laser light, gumawa din umano ng delikadong pagmamaniobra ang Chinese vessel sa pamamagitan ng paglapit ng 150 yards mula sa gilid ng starboard ng barko.
Nasa Ayungin Shoal ang PCG habang nagbibigay ng suporta sa rotation and resupply mission ng Philippine Navy.
Sa isang pahayag, sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ang ginawa ng Chinese Coast guard ay “offensive and unsafe”.
Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines spokesman Col. Medel Aguilar na panahon na upang pigilan ang mga mapanuksong aksyon ng China at patunayan na magkaibigan dalawang bansa.
Ikinabahala din ng mga senador ang insidente at sinabing hindi dapat tumigil sa paghahain ng diplomatic protests ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol dito.
Sa isang pahayag ni Chinese Ministry of Foreign Affairs na si Wang Wenbin kahapon, sinisi nito ang Pilipinas dahil pumasok ito sa malapit sa Ayungin Shoal na tinawag nilang “Ren’ai Reef”, nang walang pahintulot.
Sinabi nila na ang “Ren’ai Reef” ay bahagi ng Nansha Islands ng China,” na tumutukoy sa Spratly Islands.
“We hope the Philippine side will respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea and avoid taking any actions that may exacerbate disputes and complicate the situation. China and the Philippines are in communication on this through diplomatic channels,” ayon sa pahayag ni Wenbin.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.