KULANG na lang ay ganito ang sabihin sa akin ng isang doktor na opisyal ng ospital na inireklamo sa #ipaBITAGmo kamakailan.
Mr. Tulfo, tumatanggap kami ng promissory note pero sana naman mabayaran kahit hanggang kalahati ng hospital bill. Kailangan din ng panggastos ng aming ospital,” aniya.
Oo nga naman, bagamat nauunawaan ko ang sentimiyento ni Doc – iba naman ang sinasabi ng ating saligang batas.
Ayon sa Republic Act 9439, hindi puwedeng iditine ang isang pasyente ng ospital dahil sa hindi ito makabayad ng hospital bills o medical expenses.
Pinapayagan ang promissory note kalakip ang co-maker, guarantor o collateral bilang kasiguraduhan na makakapagbayad ang pasyente.
Ipinaliwanag din sa akin ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Calabarzon, kapag nagmatigas ang ospital na palabasin ang isang pasyente ay maaari nila itong padalhan ng demand letter.
Subalit sa sumbong na ito kamakailan, komplikado ang sitwasyon. Una, walang mailalagak na collateral o co-maker ang pamilya ng pasyente.
Ikalawa, lumapit na umano ang pamilya ng pasyente sa iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno. Tatlumpung libong piso lamang ang kanilang nalikom na agad ring ibinigay sa ospital.
Habang ang panig ng ospital, humiling sa pamilya ng pasyente na huwag ipromissory note ang buong hospital bill na umabot sa P200k.
Dahil sa pakiusap ng misis ng pasyente at pangako nitong mababayaran ang bill sa pamamagitan ng magkakapatid ay inoperahan ng mga doktor ang pasyente ng walang hinihinging downpayment.
Paano nga ba kung ganito ang sitwasyon? Maaari bang hindi palabasin ng ospital ang pasyenteng hindi makakuha ng co-maker o collateral man lang?
Bagamat naging maganda ang ending ng sumbong na ito para sa nagrereklamo, ramdam ko ang sama ng loob ni doc na sa huli ay tumayong guarantor sa pasyente.“Nakakasama ng loob, kahit pasalamat ay hindi ko natanggap sa kanila. Nasa pampublikong ospital na sila’t lumapit pa sa amin na pribado dahil sa kagustuhan ng pamilya. Hindi kami nanghingi ng anumang bayad para maoperahan ang pasyente, pero ito pa ang natanggap namin. Ipagpapasa-Diyos ko na lamang kung sila ay magbabayad pa sa amin sa ospital…”
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.