Hawak na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation Unit (CIDU) ang suspek sa pagkawala ng dalawang babaeng biktima na kinalaunan ay natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar.
Naunang naaresto sa buy bust operation ang pangunahing suspek na si Mark Anthony Valera Cosio, o “Mac Mac,” isang taxi driver na residente sa Barangay Talipapa, Quezon City noong Pebrero 3 dahil sa pagbebenta ng mga ‘di rehistradong baril, granada at iba pang explosive o pampasabog.
Isang linggo matapos mahuli, umamin si Cosio na sangkot din siya sa dalawang magkahiwalay na pagpatay.
Pebrero 10, kinumpisal ng suspek na responsable din siya sa pagkawala at pagkamatay ng 79 anyos na si Edilbertha Borruel Gomez at Maria Cristina dela Cruz Capistrano.
Pebrero 11, pinuntahan ng mga pulis at ng grupo ng Anti-Kidnapping Group Camp Crame ang tinuturong pinagtapunan nila ng bangkay ni Gomez sa bahagi ng Marilaque Tanay, Rizal. Nakumpirma doon ang naaagnas nang bangkay ng biktima na unang naiulat na nawawala noon pang Enero 14.
Base sa rekord ng pulisya, si Capistrano, ay ini-report na nawawala noong Enero 27, 2023 at natagpuang patay noong Enero 29, 2023 sa Brgy. Laug, Mexico, Pampanga.
Pag-amin pa ni Cosio kasama sina Rolando Mosinos Picaña o “Lanlan”, Keith Richard Robosa, at Jimbo Robosa sa pagsasagawa sa krimen.
Patuloy pang inaalam ng QCPD-CIDU ang totoong motibo sa magkahiwalay na pagpatay ganundin ang pag-aresto sa iba pang mga suspek.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.