Arestado ang dalawang Chinese national at isang Pinay na hinihinalang mga miyembro ng isang big-time drug syndicate sa Southern Metro Manila, ayon sa Southern Police District (SPD)
Kinilala ang mga suspek na sina Yang Tao, 29 taong gulang at Kun Yang, 26 na naaresto ng anti-narcotics team ng SPD sa isinagawang sting operation sa The Fort Strip, Bonifacio Global City (BGC) noong Lunes, Pebrero 13. Kasama rin sa mga inaresto ang kasamahan nilang Pilipino na si Faith Suniga, 18 taong gulang.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng 1.2 milyong piso matapos nila itong ibenta sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Bukod dito, narekober din ng mga operatiba mula sa mga suspek ang 9.5 gramo ng marijuana, 62 magu tablets, two sports utility vans, at marked money.
Ang mga nakumpiskang droga na may tinatayang P6.8 milyong halaga ay dinala sa SPD Forensic Unit para sa isang pagsusuri.
Ayon kay SPD Director Brig. Gen. Kirby John Kraft, si Tao at Yang ay hinihinalang mga miyembro ng Yang Drug Group na nagpapatakbo ng ilegal na droga sa Muntinlupa, Makati, Pasay, Taguig at Pasig City.
Dagdag ni Kraft, mahigit tatlong buwan minanmanan ng kanilang grupo ang mga suspek bago ang kanilang pagkakaaresto.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Regional Drug Enforcement Unit office at nakatakdang sampahan ng kaso.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.