Ipapatawag ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador Huang Xilian upang ipahayag ang kanyang pagkabahala sa dumadalas at tumitinding tensyon sa pagitan ng China at Philippine Coast Guard (PCG) at mga Pilipinong mangingisda.
Matatandaang noong Pebrero 6, tinutukan ng military grade laser ng Chinese Coast Guard and barko ng PCG sa Ayungin Shoal habang nagsasagawa ng rotation and resupply mission sa Philippine Navy. Nagdulot din ito ng pansamantalang pagkabulag sa mga tripulante ng coast guard.
Nauna nang ipinahayag ni China Foreign Ministry noong Lunes, Pebrero 13 na nag-trespass o nanghimasok ang barko ng PCG sa Renai Reef ng walang permiso ng Chinese Coast Guard.
Samantala, naghain na rin ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa nangyaring insidente.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Teresita Daza, nadidismaya sila sa mga agresibong aksyon ng China kung saan kakatapos lang bumisita ni Pangulong Marcos sa China noong nakaraang buwan.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.