Nababahala si Senator Raffy Tulfo sa buhay at kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan partikular ang mga informal settler sakaling dumating ang “Big One.”
Ang tinaguriang Big One ay ang magnitude 7.2 na lindol na maaaring mangyari sa kalakhang Maynila sa di pa tiyak na pagkakataon.
Sa isinagawang Senate hearing sa structural integrity ng mga gusali at imprastruktura, tinanong ng senador ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung nakapagsagawa na sila ng inspeksyon ang sa bahay ng mga informal settler.
Sagot ni DPWH Undersecretary Maximo Carvajal: “Ang mandato po kasi ng Department of Public Works and Highways ay ang mga public buildings po. ‘Yung mga private po, ang in-charge po diyan, ‘yung mga building officials ng mga LGU (local government units) po.”
Nilinaw naman ni Tulfo na konsern lang sya at layunin nya na matiyak ang kaligtasan ng mga mahihirap nating kababayan sakaling dumating na ang sakuna.
“Kasi concerned ako. I have so many experience pagdating po sa mga tirahan ng mga informal settlers natin, dikit-dikit at wala po silang madadaanan. Importante po ‘yung distance… “Tapos ‘yung iba sinasabi nila, hindi sila binibigyan ng right of way, ‘yung iba umaakyat ng bakod para makadaan. So, in the event of an earthquake, marami sa kanila mamamatay. ‘Pag nagkaroon ng sunog, marami sa kanila ang mata-trap,” ayon sa mambabatas.
Base sa isinagawang pag-aaral ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2004, maraming mga istruktura sa Metro Manila ang hindi kakayanin at guguho sa pagyanig ng Big One.
Tinataya namang 52,000 katao ang mamatay habang kalahating milyon ang posibleng masaktan.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.