Satisfied ang 75% na mga Pilipino sa performance ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. base sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 10-14, 2022 kung saan mas mataas ng apat na porsyento ang nakuhang performance ng pangulo kumpara sa 71% noong Oktubre. Ganunman, 7% ng mga Pinoy ang nagsabing hindi sila nasiyahan at 18% naman hindi makapag-desisyon.
Mindanao ang nanguna na nakapagtala ng pinakamataas na excellent net satisfaction ratings ng presidente.
Ayon sa datos ng SWS, nakuha ang presidente sa Mindanao ng 72% “excellent “rating, “very good” rating naman ang nakuha ng president sa Luzon (68%), sa Visayas (67%) at sa Metro Manila (65%).
Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,200 Pilipino.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Marcos sa resulta ng nasabing survey.
“Nagpapasalamat ang buong Marcos-Duterte administration sa tiwala ng ating mga kababayan sa ating pamumuno, lalo pa nating pag-iigihin ang ating trabaho para sa magandang buhay ng bawat pamilyang Pilipino. ” saad ng pangulo sa kanyang Twitter account.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.