Alam kaya ng ilang mga senador natin ang pagkakaiba ng kathang-isip at reyalidad?
Kathang isip, pang-pelikula. Fiction.
Reyalidad, katotohanan. Base sa tunay na buhay.
Ito kasing tatlong senador, sina Sen. Robinhood Padilla, Sen. Migz Zubiri at Sen. Bato Dela Rosa, umaatungal. Hindi daw katanggap-tanggap ang ginawang portrayal ng Hollywood film na “Plane” sa bansang Pinas.
‘Yun yung binanggit ng bidang si Gerard Butler sa isang scene kung saan nag-crash ang minamaneho niyang eroplano sa Jolo sa Mindanao. Mali pa nga ang bigkas ng aktor sa Jolo as in “Jow-low.”
Kaya ang panawagan ni Sen. Padilla sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayon, i-ban ang pagpapalabas sa publiko ng nasabing pelikula.
Sagot naman ni Sen. Bato, “very much disgusting” ang pelikula at nalagay sa masamang imahe ang bansa. Hindi naman daw nangyayari ang pagpugot ng ulo sa Mindanao ng walang dahilan.
Pero itong si Sen. Zubiri, bumalanse. Ang ipinakitang senaryo daw sa Jolo sa “pelikulang Plane” ay hindi ang totoong sitwasyon sa lugar.
Mawalang-galang lang po mga magigiting naming senador. Masyado naman kayong mga balat sibuyas.
Sayang lang ang laway nyo dyan sa pag-aatungal at tamporurut nyo na yan. Pagtatawanan lang kayo ng Hollywood sa Amerika. Baka lalo pang kumita ang Plane.
Napakaraming problema ng bansa yun ang pagtuunan nyo ng pansin.
Oh, sa mga nagtatanong. Panoorin nyo nalang ang trailer ng “Plane” sa YouTube. Kayo na ang bahalang bumalanse.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.