• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
PAGTATAAS NG MINIMUM WAGE, ISINUSULONG NI SEN. TULFO
February 16, 2023
OMICRON SUBVARIANT XBF, NASA BANSA NA –DOH
February 16, 2023

HUMAN TRAFFICKING GAMIT ANG PRIVATE PLANE, MGA KASABWAT NA AHENSYA, IIMBESTIGAHAN

February 16, 2023
Categories
  • National News
Tags
  • National News

Iniimbestigahan ngayon ng Senado ang isang private aircraft na nakaalis ng bansa subalit hindi nagdeklara ng tamang bilang nga pasahero. 

Base sa report, nagpumilit umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Pebrero 13, alas-10 ng gabi ang nasabing eroplano sa kabila ng pagpigil ng mga aircraft inspector. Anim lang dapat ang pasahero subalit 14 katapo ang sakay nito. 

Sa privilege speech ni Sen. Grace Poe sa Senado noong Miyerkules, tinukoy nya ang private plane na may tail number N9527E. Umalis ito sa NAIA Terminal 1 patungong Dubai. Kinumpirma naman ito ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (ASG) na nagmula sa isang anonymous tip hinggil sa human trafficking. 

“Let us not allow private flights in our airports as a way for human trafficking,” banggit pa ng mambabatas. 

Sa General Declaration na hawak ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong pasahero ay binubuo ng Malaysian, Korean, Chinese, Vanuatu, at tatlo pang dayuhan mula sa Saint Kitts at Nevis. 

Paglalahad ng senadora, tumigil naman ang tatlong iba pang “Asian-looking nationals” sa Balabag ramp ng NAIA matapos nilang makita na kumukuha ng video ang aircraft inspector. 

“However, at around the same time, the inspectors noticed three unauthorized individuals entering the aircraft followed by the aircraft door closing,” dagdag pa ni Poe.

Sinubukan din daw ng mga inspektor at ng ASG na pigilan ang pag-alis ng eroplano subalit sinabi ng isang Immigration officer maaari na itong umalis. Nang itinawag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa control tower na ipahinto ang pag-alis ng eroplano, isang Retired General Robles unman ang nagsabi na “hindi ito posible dahil naaprubahan na ang flight navigation clearance”, sabi ng senadora. 

Ayon kay Poe, ang nasabing aircraft ay inooperate ng isang Cloud Nine No. 1 leasing Company Ltd., isang Hong Kong registered leasing company at ang assigned ground handler nito ay ang Globan Aviation Service Corporation o GLOBAN.

Sa nangyaring ito, malinaw daw na may iregularidad at policy and procedure violation ang Manila International Airport Authority (MIAA), Bureau of Immigration, PNP Aviation, at CAAP.

Sinabi naman Sen. Jinggoy Estrada, na hindi malayo na aktibidades ito ng mga sindikato ng human trafficking.

Kinondena din ito ng iba pang mga senador at umapela na imbestigahan ang mga sangkot na ahensya. 

Recent News

PHILHEALTH AND DEPED FORGE PARTNERSHIP TO ENSURE HEALTH COVERAGE FOR ALL LEARNERS
National News
May 15, 2025

PHILHEALTH AND DEPED FORGE PARTNERSHIP TO ENSURE HEALTH COVERAGE FOR ALL LEARNERS

In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved