Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng omicron subvariant XBF sa bansa kahapon, Pebrero 15.
Ang unang kaso ng XBF subvariant sa Pilipinas ay nadiskubre sa resulta ng isinagawang genome sequence noong Enero 28.
Ang XBF ay recombinant sublineage ng BA.5.2.3 at CJ. 1 na kamakailang naidagdag sa listahan ng mga Omicron subvariants na binabantayan kabilang ang XBB.1.5 at CH.1.1.
Ang subvariant na ito ay iniuugnay sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Australia at Sweden.
Ito rin ang bumubuo sa 55 porsyento ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa Victoria, Australia.
“Preliminary studies also show that many of Australia’s antiviral treatments against Covid-19 were no longer effective against multiple Omicron subvariants circulating in the country, including XBF,” saad ng DOH
“However, currently available evidence for XBF does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original Omicron variant,” dagdag nito.
Samantala, umakyat na sa tatlo ang bilang ng kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 sa bansa matapos dumagdag ang dalawang panibagong kaso na lumabas sa resulta ng isinagawang genome sequencing noong Peb. 7 at 9
Bukod dito, 26 kaso ng XBB ang namataan sa bansa kabilang ang dalawang kaso ng XBB.1.5, 10 kaso ng BA.2.3.20, 3 kaso ng BA.5, 2 kaso ng BA.2.76 at isang kaso ng XBC. Dalawampu sa mga sample ay naiuri bilang bilang Omicron sublineages.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.