Hindi makakalaro sa huling window ng Fiba World Cup Asian Qualifiers ang seven footer bigman na si Kai Sotto at ang PBA Veteran na si Japeth Aguilar.
Sinabi na nang kampo ni Kai Sotto na hindi muna ito maglalaro sa national team upang mag-focus sa kanyang bagong koponan na Hiroshima Dragonflies sa Japan B. League.
Plano din ng kampo ni Sotto na pagkatapos ng maikli niyang paglalaro sa Japan ay isusunod na ang NBA summer league. Kinumpirma ng kampo ni Sotto na mayroong anim na team na interesadong kumuha sa kanya.
Samantala, ang center-forward ng Brgy. Ginebra na si Japeth Aguilar ay hindi rin makakapag-aro dahil sa iniinda nitong knee injury na natamo niya noong laban nila sa PBA.
Dahil dito, ang 6’10 na si June Mar Fajardo at ang UAAP rookie na si Mason Amos ang natitirang bigman na lamang ng Pilipinas. Hindi pa rin sigurado kung makakalaro dahil sa conflict ng schedule sa PBA si Raymond Almazan.
Kahit na pasok na ang koponan sa World Cup na gaganapin sa Agosto 2023, ay pinag-iigihan parin ng head coach ng National Team na si Chot Reyes na matalo ang kanilang makakaharap na Team Lebanon.
Matatandaang tinalo ng Lebanon ang Pilipinas noong nakaraang qualifiers. Umasa ang mga Pilipinas noon na magwawagi tayo dahil sa tulong ng NBA Veteran na si Jordan Clarkson.
Mangyayari ang ikaanim at huling world cup qualifiers ng Pilipinas sa Feb 24 at Feb 27 na gaganapin sa Philippine Arena.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.