Nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang limang malalaking bansa matapos ang nangyaring “laser incident” sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo.
Ito yung insidente noong Pebrero 6 kung saan tinutukan ng military grade laser ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na sakay ang mga tripulante nito.
Nauna nang nagpahayag ng suporta ang Amerika sa Pilipinas na sinundan din ng apat pang bansang trade and development partners ng Pinas. Ito ang mga bansang Japan, Australia, Canada at Germany.
The PRC’s conduct was provocative and unsafe, resulting in the temporary blindness of the crewmembers of the BRP Malapascua and interfering with the Philippines’ lawful operations in and around Second Thomas Shoal,” pahayag ni US State Department spokesperson Ned Price.
Hinikayat rin ng nabanggit na limang bansa ang China na sundin ang utos at desisyon ng Hague-based Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016 na nagsasabing pag-aari ng Pilipinas ang teritoryo na pilit ang inaagaw ng China.
Matatandaang noong Martes, Pebrero 14, naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa ginawang pag-atake ng bansang China. Habang ipinatawag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos si Chinese Ambassador Huang Xilian sa Malakanyang sa dumadalas at tumitindi pang aksyon ng kanilang bansa laban sa PCG at mga Pilipinong mangingisda.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.