Pinag-iingat ang publiko sa mga trabahong inaalok sa internet. Ayon sa mga awtoridad, target ng mga crypto scammers ang mga Pinoy young professional sa kanilang ilegal na operasyon sa Southeast Asia.
Inanunsyo ito ng Bureau of Immigration (BI) matapos mailigtas ang walong Pilipino mula sa isang crypto-trafficking ring na nag-ooperate sa Myanmar, Laos at Cambodia.
Karamihan sa mga biktima, mga dating OFWs at madalas na bumabyahe sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila na bibigyan ng magandang sweldo bilang call center agent, subalit pagdating doon, pinilit silang mag-recruit at manlinlang upang mamuhunan sa pseudo crypto account gamit ang social media.
Ilan din sa mga biktima ang nakaranas ng pananakit at pahirap mula sa mga miyembro ng sindikato.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, batay sa pinakabagong mga biktima, target ng mga trafficker ang “highly-educated professionals” na naghahanap ng oportunidad sa trabaho online.
Muling nagpaalala ang ahensya, mag-ingat sa mga job postings na nakikita sa internet. Huwag magpapabitag sa alok na mataas na sweldo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.