Isa isa nang inilalantad ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Plant Industry (BPI) na umano’y sangkot sa kartel ng sibuyas.
Reaksyon ito ni Agriculture Assistant Secretary and deputy spokesman Rex Estoperez matapos ang pagbubunyag ng Chairman ng Bonena Multipurpose Cooperative na si Israel Reguyal sa isinagawang Senate hearing nitong mga nakaraang araw.
Sa testimonya ni Reguyal, nagngagalang Lilia Leah Cruz na tinagurian ding “Mrs. Sibuyas” ang nag-iipit ng mga suplay ng sibuyas sa pakikipagsabwatan na rin ng ilang mga opisyal ng DA at BPI.
“The President (Ferdinand Bongbong Marcos Jr.) does not tolerate that. That’s the reason why he chose to remain at the DA, to solve that and to fire those involved (in illegal activities),” sinabi ni Estoperez sa isang interview.
Dagdag pa ni Estopeerz, seryoso ang Pangulong Ferdinand Marcos na linisin at tanggalin ang mga kurap sa ahensyang pinamumunuan nito bilang kalihim.
“We will not discriminate whether they are part of the present administration or officials from the previous administration. If there is evidence, they should be charged. If there is a need to remove them, we will do so,” ayon kay Estoperez.
Ayon sa Asec at Deputy Spokesman ng ahensya, magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon hinggil sa isyu at ipapatupad ang mga kaukulang batas.
Matatandaan na noong Martes, Pebrero 14, isiniwalat ni Reguyal ang modus ni “Mrs. Sibuyas” at ang anomalya sa DA. Humiling din ng closed door executive session sa mga mambabatas si Reguyal sa pagpapaptloy ng kaniyang testimonya.
Samantala, naninindigan naman si Cruz na hindi sya sangkot sa onion smuggling at hoarding at hindi nya rin tanggap na tagurian siyang “Mrs. Sibuyas.”
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.