Pinaiimbestigahan ni Interior Secretary Benhur Abalos sa Philippine National Police (PNP) ang walang habas na pamamaril na naganap sa labas ng eskwelahan sa Pikit, Cotabato noong Martes, Pebrero 14.
Ayon sa ulat, walang habas na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang grupo ang apat na biktima na kinilalang sina Pikit National High School 7th grader at 13-year-old Fahad Dianalan Guintawan na agad binawian ng buhay. Habang sugatan naman ang pinangalanang si Jinwar, 12-anyos at isa pang 11 taong gulang na bata.
Naglalakad umano ang apat sa na mag-aaral dakong 2:oo ng hapon noong Martes nang bigla silang pinaulanan ng bala ng baril. Nagdulot ito ng takot sa buong probinsya.
“Inatasan ko si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na pangunahan ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril katuwang ang ating mga kasama sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP regional offices,” saad ni Abalos.
Ayon sa kalihim, nakipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan kay National Security Adviser Eduardo Año at Defense Secretary Carlito Galvez Jr. upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.
“Hindi tayo titigil hanggang hindi nagkakaroon ng hustisya ang mga naging biktima at kanilang mga pamilya. Walang puwang ang mga mamamatay-tao sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lalo na ang kumikitil ng buhay ng mga bata,” ani Abalos.
“Asahan ninyo pong kami ay makakasama ninyo tungo sa tuluyang pagresolba sa krimeng ito kalakip ang aming pagsusumikap tungo sa pagpapaigting ng kapayapaan sa Mindanao,” dagdag ng kalihim.
Samantala, pansamantala namang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang mga klase sa paaralan hanggang sa mga susunod na araw.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.