Iginigiit ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kumpleto ang permit at clearance ng charter plane na umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pinaghihinalaang ginamit ng mga undocumented alien papunta sa Dubai.
Sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na pinayagan nilang umalis noong Lunes ang private plane noong Pebrero 13 dahil ayos ang mga papel nito. Ang erolpano ay may Registry number at Callsign N9527E na pagmamay-ari ng Cloud Nine No. 1 Leasing Company Limited.
“Initial information gathered revealed that Globan Aviation Corporation, the ground handling company, obtained the necessary approvals from the Civil Aviation Authority of the Philippines for entry-exit clearance; the PNP AVSEU (Philippine National Police Aviation Security Group) for the Aircraft Exit Clearance, the MIAA for ramp entry of vehicles that transported the passengers to the Balagbag ramp, all of whom were processed and cleared by the Bureau of Immigration on site,” ayon sa pahayag ng MIAA.
Samantala, naninindigan naman ang PNP NCR Aviation Security Group na hindi dumaan sa pre-flight inspection ang chartered flight bago ito makalipad. Hindi rin daw sila pinayagan na magsagawa ng pre-flight inspection sa kabila ng natanggap nilang intelligence report mula sa confidential informant na may mga undocumented aliens na lalabas ng ibang bansa.
Sa kabila ng mga isiniwalat na impormasyon, sinabi ng MIAA na patuloy nilang iimbestigahan ang insidente.
Dahil dito, iminungkahi ng Bureau of Immigration (BI) na magkaroon ng isang one-stop processing center para sa border clearances upang hindi na umano maulit ang ganitong insidente.
Ang paglikha ng isang one-stop processing center ay makakatulong din upang mapag-isa ang border clearance procedures at masawata ang mga kaso ng human trafficking.
Mariin namang kinondena ng mga senador ang insidenteng ito at hiniling na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.