Isa ka rin ba sa mga sweet-toothed o mahilig kumain ng matatamis kagaya ng tsokolate, cake, at leche flan?
Kagaya ng ilan sa ating mga Pilipino, nakaugalian nang may kaakibat na ‘dessert’ tuwing pagkatapos kumain bilang pantanggal umay.
Katulad rin ng 75-anyos na nakilala ng Bitag Multimedia Network (BMN) na si Dario Silvestre ng Project 6, Quezon City.
Sa kabila ng kanyang pagiging diabetiko, hindi raw mapigilan ni Dario ang kanyang sarili sa pagkain ng matatamis
“Ang weakness niya ay sweets. After meal, gusto niya laging may matamis. Anything that is sweet from leche flan to chocolates, anything basta sweet,” kuwento ng misis ni Dario na si Rosabel sa isang panayam ng BMN.
Subalit matapos mastroke nang taong 2011, labis ng pinagsisisihan ni Dario na nakahiligan niya ang mga pagkaing ito.
“Halos wala akong control e sa pagkain e. Basta masarap kakainin ko, hindi ko iniisip kung makasama ba ito sa kalusugan ko. Hindi ko akalain na maii-stroke ako,” ani Dario.
“I remember yung day bago siya ma-stroke, imbitado kami sa kasalan. ‘Yung food platter nilagyan niya ng chocolate tapos ‘yun ‘yung kinain niya. The next day na-stroke na siya,” kwento ni Rosabel.
Palaisipan noong una sa mag-asawa kung may kinalaman nga ba ang pagkahilig ni Dario sa matatamis sa kaniyang pagkaka-stroke?
Ayon sa isang espesyalista, ang diabetes ay isa sa pinakamadalas na dahilan ng stroke. Ito ay isang uri ng karamdaman kung saan masyadong mataas ang blood sugar o lebel ng asukal sa dugo.
Kung hindi ito makokontrol o maaagapan, maaaring bumara ang mga ito sa ugat at humantong sa iba pang mga komplikasyon katulad ng kidney damage, vision problems, at cardiovascular diseases.
Ang diabetes ay maaaring namamana ayon sa eksperto, subalit kadalasan ito ay nakukuha sa hindi wastong lifestyle.
“Kumain tayo ng tama at limitahan ang sarili sa pagkain ng matamis. Bukod dito, importante din na magkaroon ng physical activities o exercise at least 150 minutes sa loob ng isang linggo. Kung sobra ka sa timbang, panatilihin mong nasa tamang timbang ang katawan mo,” payo ng doktor.
Si Dario ay isa sa mga itinampok ng Bitag sa programang TOTOO na nagbahagi ng kanyang magandang karanasan sa paggamit ng Kings Premium Food Supplement 825 ml.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.