Pinawalang-bisa ng Supreme Court (SC) ang tatlong circular at regulations na inisyu sa Bureau of Internal Revenue at Securities and Exchange Commission noong 2014.
Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, ang nasabing circular at regulation ay paglabag sa right to privacy at due process ng Philippine Stock Exchange (PSE), mga bangko, at negosyo, mga may-ari at mamumuhunan, at labag din sa konstitusyon.
Ang mga pinawalang bisa ay ang BIR Revenue Regulations No. 1-2014, Revenue Memorandum Circular No. 5-2014, at SEC Memorandum Circular No. 10, Series of 2014.
Ang nasabing circular at regulations ay nag-aatas sa mga negosyong nakikipag-ugnayan sa Philippine Stock Exchange (PSE) at mga bangko na ibunyag ang mga pangalan, address, tax identification number (TIN) at ang halaga ng kita at withholding tax ng kanilang mga investors. Sa desisyon ng korte, labag aniya ang regulasyon Republic Act No. 10173 ng Data Privacy Act.
Nilabag din umano ng sirkular ang karapatan sa due process dahil nabigo ang BIR, SEC, kasama ang Department of Finance (DOF) na magsagawa ng mga pagdinig upang ayusin ang mga probisyon at kinakailangan ng mga regulasyon.
Noong 2014, naglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) na nagpahinto sa BIR at SEC sa pagpapatupad ng mga regulasyon.
“WHEREFORE, the Petition for Certiorari and Prohibition is GRANTED. Revenue Regulations No. 1-2014, Revenue Memorandum Circular No. 5-2014, and Securities and Exchange Commission Memorandum Circular No. 10-14 are STRUCK DOWN for being UNCONSTITUTIONAL. The Temporary Restraining Order issued by this Court on September 9, 2014 is MADE PERMANENT. SO ORDERED.”
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.