Isang sunog na sasakyan na pinaghihinalaang ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa bise alkalde ng Aparri, Cagayan ang natagpuan sa Solano, Nueva Vizcaya kaninang madaling araw.
Ayon sa information officer ng Nueva Vizcaya Police na si Maj. Jolly Villar, isang sunog na puting mitsubishi na walang plaka ang nakita ng mga residente sa Barangay Udiawan sa Solano.
Patuloy na inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng natagpuang sunog na sasakyan.
Kahapon, Pebrero 19, iniulat na nasawi si Vice Mayor Rommel Alameda at lima pa matapos tambangan ang kanilang sasakyan ng hindi bababa sa anim na salarin sa Bagabag, Nueva Viscaya.
Kabilang sa mga nasawi sina Alexander Agustin Delos Angeles, ALvin Dela Cruz Abel, Abraham Dela Cruz Ramos, John Duane Banag ALmeda, at Ismael Nanay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, papuntang Maynila para dumalo sa 27th Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) National Convention sa Pasay City nang tinambangan sila sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya. Sakay ng isang Hyundai Starex ang grupo ni Alameda nang harangin sila sa daan ng mga suspek na nakasakay sa puting Mitsubishi na may pulang plaka na SFN-713.
Base sa salaysay ng ilang saksi, naka uniporme ng pulis ang mga suspek.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pananambang.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.