Itataas sa P50,000 mula sa dating P12,200 ang matatanggap na one-time inflation assistance ng mga empleyado ng Senado, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Lunes, Pebrero 20.
Ito ay ipagkakaloob sa 3,000 empleyado ng Senado bilang tulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nakatakda itong ipamahagi sa Agosto.
“To help you all deal with your daily expenses, we have improved the inflationary adjustment assistance. Tumaas ang inflation. Dapat itaas din natin ang assistance,” wika ni Zubiri sa isang panayam sa media.
“Kaya mula P12,200, gagawin natin itong P50,000 or your basic monthly salary, whichever is higher. Basta guaranteed na po ang P50,000 diyan and you can expect this in August,” ayon kay Zubiri.
Samantala, mula sa dating P30,000, itataas naman sa P50,000 ang ipagkakaloob na medical assistance para sa mga empleyado simula Setyembre.
“It’s expensive to get treatment and to have a hospital check-up nowadays, so we raised all our employees’ medical incentives and medical assistance,” ani Zubiri.
“We used (the Senate’s) savings for this. When we have savings, we increase the incentives of our employees,” dagdag nito.
Bukod dito, inihayag din ng mambabatas ang kanyang suporta sa pagtaas ng sahod para sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
“Ako ay sumusuporta sa planong itaas ang minimum wage. The minimum wage is not necessarily a living wage. Ang living wage po natin ngayon ay mataas sa minimum wage. Since inflation is rising, we should raise the minimum wage of Filipinos to help them,” dagdag pa ng senador.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.