Patay ang suspek sa likod ng pananambang sa chief of police ng Ampatuan, Maguindanao sa isang isinagawang operasyon ng pulisya sa Tacurong City, Sultan Kudarat noong Pebrero 18, Sabado.
Kinilala ang suspek na si Abdulkarim Hashim alyas “Boy Jacket” na nasa likod ng nangyaring pagpaslang kay Police Lt. Reynaldo Samson at kanyang driver na si Salupuden Endad sa Barangay Kapinpilan noong Agosto 30 nang nakaraang taon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., natunton si Hasim ng mga awtoridad sa tinutuluyan nito sa Purok Yellow Bell, Barangay New Isabela, Tacurong City.
Nakipagpalitan daw ng putok ang suspek matapos itong hainan ng warrant of arrest dahil sa mga kinakaharap nitong kaso tulad ng murder at double frustrated murder.
Si Hashim ay sangkot din sa mga serye ng harassment sa mga patrol base ng 40th Infantry Battalion, 601st Brigade sa Datu Hoffer Ampatuan, ayon kay Police Regional Office 12 director Brig. Gen. Jimili Macaraeg.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.