Sa unang pagkakataon, natalo ang koponan ni LeBron James at nanaig ang Team Giannis sa isang high scoring game sa score na 184-175 sa 72nd NBA All-Star Game. Ginanap ang laro sa Vivint Arena na homecourt ng NBA team na Utah Jazz.
Parehong hindi na nakalaro ang team captain ng bawat koponan na si LeBron James at Giannis Antetokounmpo dahil sa kanilang inindang injury. Natamo ni James ang kanyang injury habang ito’y sumabak na dumakdak ngunit nagkamali sa paghawak sa court at na-injured ang kanyang kanang kamay habang si Antetokounmpo ay meron nang iniindang injury bago pa mag All Star Game.
Nanguna para sa Team Giannis ang Boston star player na si Jayson Tatum na gumawa ng 55 points, 10 rebounds, 6 assist, 1 steal, and 1 block. Dahil sa halimaw na ginawa ni Tatum ay nabasag niya ang NBA All Star game record na 52 points na ginawa dati ni Lakers Center player na si Anthony Davis.
Samantalang nanguna naman para sa Team LeBron ang star player din ng Boston na si Jaylen Brown na kumanada ng 35 points and 14 rebounds.
Nakapag-ambag naman ang Team Captain na Si LeBron James ng 13 points, 4 assist, and 1 rebound bago siya umupo dahil sa nakuha niyang injury
Sa huli ay pinarangalan si Jayson Tatum ng Kobe Bryant All-Star Game MVP award.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.