Nanganganib masibak sa trabaho ang mahigit 300 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos mabigo na makatugon sa mandato ng batas na magkaroon sila ng college degree o makapasa sa civil service professional exam.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10575, o ang BuCor Act of 2013, ang mga aplikante ay kailangang may bachelor’s degree at nagtataglay ng naaangkop na civil service eligibility.
Sa isang pahayag, sinabi ni Jose Ventura Asturias legal counsel ng mga empleyado na ilan sa apektadong BuCor employees ay 30 hanggang 40 taon nang nasa serbisyo.
Hiling nilac, magkaroon pa ng dalawang taong extension dahil naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kanilang compliance.
Samantala, ayon naman kay Civil Service Commission Commissioner Aileen Lizada, hindi pa sila nakakatanggap ng notice of extension mula sa kasalukuyang pamunuan ng BuCor.
Nilinaw din ni Lizada na nakadepende pa rin sa pamunuan ng BuCor kung maglalabas ito ng extension o hindi.
Sa oras na magpadala ang BuCor ng notice of extension, agad daq tutugon ang CSC dito.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.