Umaasa si Senator JV Ejercito na maging “win-win” solution ang pag amyenda sa Republic Act (RA) No. 11235, o Motorcycle Crime Prevention Act, o mas kilala din na “Doble Plaka” law.
Sa ginawang Public Hearing of the Committee on Justice and Human Rights noong Miyerkules, Pebrero 22, sinabi ni Ejercito na masyadong mahal ang multa sa violation ng mga motorcycle riders.
Nagsisilbi din aniya itong diskriminasyon sa mga motorcycle rider. Mungkahi niya, ipareho na lang ang halaga ng multa ng mga motorcycle rider sa mga nagmamaneho ng four-wheel vehicle.
“These fines and penalties are too excessive to the point of being discriminatory to motorcycle riders. They can reach P50,000 up to P100,000,” too excessive to the point of being discriminatory to motorcycle riders. They can reach P50,000 up to P100,000,” saad ng senador.
Sumang-ayon din dito si Sen Bong Revilla na naging diskriminasyon ang pag sasabatas ng Doble Plaka. Ayon sa senador, sobrang taas ng mga multa at dagdag pahirap dahil sa dobleng plaka.
Bukod sa excessive na fines at penalty, iminungkahi din ni Senator Ejercito na sa halip na magdagdag pa ng isang plaka sa harap ng motor ay gagamit nalang ng RFID o Radio Frequency Identification kung saan nakalagay na ang impormasyon ng rider pag-iniscan ng mga pulis.
“So sa halip po na yung front plates o decals, yung RFID system na ilalagay sa harapan ng motor ay nandun na po ang impormasyon” dagdag ni Senator JV Ejercito.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.