Pinuna ni Senador Raffy T. Tulfo ang ang paraan ng pagsasagawa ng checkpoint ng mga alagad ng batas sa mga motorcycle riders.
Sa isinagawang public hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights, “unfair” umano ang paghahanap ng lisensya at Official Receipt (OR) and Certificate of Registration (CR) sa mga motor riders.
“Ano ba meron bakit ang haba ng pila ng mga motorsiklo, meron checkpoint, yung mga four wheels na mga sasakyan, larga, motorcycle, pila-pila, hinahanapan ng mga lisensya with no probable cause.”wika ng senador.”
“Ang pagkakaalam ko paparahin lamang ang motorista kung may probable cause, (Example) wala helmet, sira ilaw, pagewang gewang, hinahanapan ng registration bubuksan ang compartment, kakap-kapan bakit ganun? discrimination po iyon.”
Dagdag pa ng senador madalas din aniya na nagagamit ang mga checkpoint sa mga pangongotong.
Pinaalalahanan din ng senador ang mga law enforcement officer na ipatupad ang maximum tolerance at sundin ang rules of engagement at iba pang doktrina pagdating sa checkpoint operations.
“Wala po ako masamang tinapay or against sa sa checkpoint kailangan din po natin yan specially during gun bans and pursuit of criminals running away from a crime scene, pero bakit motor lang? eh di lahatin na, palagi ang mga nakamotorsiklo ang pinagiinitan.”
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.