Inanunsyo na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SMP) kahapon Pebrero 23 ang kanilang final 12 na maglalaro para sa huling window ng Fiba World Cup Qualifiers na gaganapin mamayang gabi sa Philippine Arena.
Pangungunahan ng bagong naturalized player na si Justin Brownlee ang national team upang makabawi sa team Lebanon na tumalo sa Pilipinas noong agosto 2022 sa score na 85-81.
Makakasama ni Brownlee ang mga Japan B. League boys na sina Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks Jr. , Dwight Ramos, at ang nagbabalik na si Jordan Heading na huling naglaro sa Gilas noong 2021. Kasama din sa lineup ang mga PBA player na sina Scottie Thompson, Junemar Fajardo, Jamie Malonzo, CJ Perez, at si Calvin Oftana.
Manggagaling naman sa Ateneo Blue Eagles ang center rookie player na si Mason Amos kung saan siya ang magiging kapalitan ni Junemar Fajardo pagdating sa depensa. Habang sina Schonny Winston, Jerom Lastimosa, at Kevin Quiambao naman ay magiging reserve para sa laban ng Pilipinas at Lebanon.
Inaasahan mamaya na magiging dehado ang Gilas Pilipinas dahil sa height advantage na meron ang Lebanon. Ganunpaman, sinabi ng center ng Meralco Bolts na si Raymond Almazan na homecourt advantage naman ang lamang ng Pilipinas.
Ang parehong koponan ay pasok na sa Fiba World Cup at wala ng bearing kahit na matalo o manalo sa laban.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.