Wagi ang Los Angeles Lakers kontra Golden State Warriors sa ginanap na regular season ng National Basketball Association (NBA) sa home court ng Lakers kanina, Pebrero 24, American time.
Nakagawa ng 25 points ang bagong point guard ng Lakers na si Malik Beasley kaya nakaiskor sa NBA ang koponan.
Sa unang quarter ay nakakasabay pa sa scoring ang Warriors at naka tikim pa ng lamang sa gitnang bahagi ng 1st quarter. Ngunit, dahil sa mainit na mga kamay ni Malik Beasly at sa maayos na performance na ginawa ng lakers ay hindi na muling nakalamang pa ang Warriors pagdating ng 2nd, 3rd, at 4th quarter.
Nakagawa ng pitong tres si Malik Beasly habang nagkaroon ng double-double performance sina Anthony Davis at Mohamed Bamba. 12 points at 12 rebounds para kay Anthony Davis habang naka 10 points at 13 rebounds naman si Mohamed Bamba.
Tahimik naman ang naging performance ni LeBron James na gumawa lamang ng 13 points, 9 rebounds, at 8 assist.
Para sa Warriors, nakagawa ang sharpshooter na si Klay Thompson ng 22 points at si Ty Jerome ng 20 points.
Hindi nakapag-laro ang superstar player ng Warriors na si Steph Curry dahil sa iniindang injury sa tuhod.
Dahil sa pagkapanalo ng Lakers, meron na silang 2 game winning streak at dalang momentum para sa kanilang susunod na laro.
Habang ang warriors ay lumagapak sa standing na napunta 10th spot na may record na 29-30.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.