Heartbreak o paghihiwalay sa relasyon ang isa sa umanong mga dahilan ng depression.
Base sa datos ng National Center for Mental Health (NCMH), 7,500 calls mula sa mga Pinoy na may edad 18 hanggang 30 years old ang kanilang natanggap sa crisis hotline. Ikatlo sa nagiging sanhi ng depression, broken heart problem.
Ayon kay Mental Health Coalition chair Alyannah Lagasca, “Whether it’s due to grief, regret, loss or break-up, a painful heartbreak can develop into a mental health condition if kept unmanaged. The state of a broken heart leaves a person with almost unbearable emotional pain.
Bukod dito, naalarma din ang grupo sa dumoble ang bilang ng mga kabataang Pilipino na may edad 15 hanggang 24 taong gulang ang nakakaranas ng sintomas ng depresyon mula noong 2013 hanggang 2021.
Sa kanilang ulat, 62% sa mga nakaramdam ng mga sintomas ng depresyon ay hindi aniya humingi ng tulong sa professional. Samantala, 2% lang sa mga ito ang humingi ng tulong. Umangat din ng tatlo hanggang pitong porsyento ang mga nagtangkang wakasan ang kanilang buhay.
dahil dito, hinihikayat ng grupo ang mga indibidwal na unahin ang pag-aalaga sa sarili o self-love methods.
“Stay connected with family and people you feel loved, cared for, and supported. Spend some time in peace and calmness, touch on your faith, write in your journal, travel, engage in any activity of interest, and find time to get to know yourself,”
Sinabi rin ng grupo na handang tumulong at makinig ang mga propesyonal sa mga nakakaranas ng depresyon.
Kung nakakaranas ng depression, tumawag sa NCMH toll-free crisis hotline na 1553. 0917-899-USAP (8727) o 0917-989-8727
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.