DAVAO CITY – Lumipad patungong Davao ang 11-man team ng #ipaBITAGmo.
Dalawang istorya ang trinabaho, isa rito ang pag-agaw ng tindahan ng softdrinks ni Marvin Dicdican mula sa kahera na si Lorna Magnanao sa Kiblawan, Davao del Sur.
Disyembre nakaraang taon, matatandaang dumulog si Marvin sa public service program ng #ipaBITAGmo tungkol sa problema niya sa mga manang iniwan sa kanilang magkakapatid ng kanilang pumanaw na ina.
Naka-usap ng BITAG ang kahera ng tindahan ng softdrinks na si Lorna, nangako itong kikilalanin si Marvin bilang bagong amo.
Ngunit hindi ito tumupad, imbes na matiwasay na ilipat sa pangalan ni Marvin ang tindahan ay TINAWANAN lang niya ang BITAG, aniya isang SIMPLENG PALABAS lang ang BITAG.
Hindi nag-aksaya ng oras ang BITAG, agad SINAMPOLAN ang kahera.
Kasama ang mga Davao Regional DOLE, Davao Regional PAO, Davao Regional DILG at Davao Regional PNP binawi ang tindahan mula sa kahera at ibinalik sa totoong amo nito na si Marvin Dicdican.
Sa una, hindi maubusan ng dahilan si Lorna ngunit hindi na ito naka-porma ng ipinaliwanag ng abogado ng PAO na wala siyang karapatan sa tindahan!
Payo ng abogado ng PAO, kung sapilitang kinuha ng isang katiwala ang isang tindahan o negosyo at labag ito sa kalooban ng amo ay maaari kang masampahan ng kasong Qualified Theft.
Sa takot, agad ibinigay ni Lorna ang pera at kita ng tindahan, pati mga importanteng dokumento ay inabot na rin niya.
Hindi dumaretso ang BITAG sa mga kinauukulan ng Kiblawan, Davao Del Sur, ito’y para masiguro na hindi mabahiran ng anumang politika ang isyu ni Marvin Dicdican.
Abangan ang kabuuang imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.