Pinatumba ng DLSU Lady Archers ang UST Tigresses sa scores na 25-20, 16-25, 25-8, 15-25, 16-14, sa ginanap na UAAP Season 85 noong February 26 sa Mall of Asia Arena.
Sa ginanap na laro ng DLSU at UST, tila palitan lamang ang nangyari sa unang set hanggang pang-apat na set. Sa huling set ay nagkaalaman kung sino ang mas gutom sa panalo.
Sa nangyaring huling set ng dalawang koponan, dikitan ang nangyari kontra sa dalawa at walang lumalayo sa score ng isat isa. Maganda ang pinakitang opensa ng dalawang koponan ngunit mas maayos ang defensa ng DLSU Lady Archers. Sa huli ay nakuha ng Lady Archers ang kanilang panalo sa pamamagitan ng error galing sa UST.
Gumawa ng 18 points ang rookie ng DLSU Ldy Archers na si Angel Canino habang nakapag-ambag din si Jolina Dela Cruz 14 points.
“Tiwala sa sarili, ilaban natin ‘to, atin ‘to,’ kasi alam namin [na] amin ‘to eh. Kailangan lang namin i-push ‘yung sarili namin na gawin ‘yung lahat ng pwedeng ilabas namin as a team … kasi alam naming [kaya namin] as Lady Spikers,” saad ni Angel Canino
“Ang naging biggest challenge namin towards them [UST] ay ‘yung depensa namin galing sa receive kasi medyo nag-aadjust pa kami. First game namin so medyo nag-aadjust kami sa venue, sa lahat, and also sa kalaban namin so ‘dun kami nahirapan talaga.” Dagdag pa ni Angel Canino.
Habang gumawa naman si Eya Laure ng UST Lady Tigresses ng 19 points habang si Milena Alessandrini ay nagambag naman ng 10 points.
Sunod na makakalaban ng DLSU Lady Archers ang UP Lady Fighting Maroons sa Wednesday habang FEU Lady Tamaraws naman ang susunod na makakalaban ng UST Tigresses sa parehong araw.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.