Ang mga millennial raw ay mabilis magdesisyon, mabilis magbigay ng tiwala at mabilis maniwala.
Aktibo sila g sumubok ng mga bagong karanasan, mapa-negosyo, pagkain, serbisyo at maging sa pagpasok sa showbiz.
Gaya ng magkakapatid na millennial Singaporean talent ng ABS-CBN na lumapit sa BITAG. Inirereklamo nila ang panloloko umano ng kapwa talent sa nasabing network.
Si “Laura”, hindi tunay na pangalan ay isang Singaporean recording artist. Kasama ang kaniyang mga kapatid ay nagpunta sa Pilipinas upang ipamalas ang kanilang talento sa musika.
“I and my siblings went here to the Philippines because Filipino people can appreciate and love music. (Nagpunta kami ng aking mga kapatid dito sa Pilipinas dahil sa pagmamahal ng mga Pinoy sa musika.),” ani ni Laura sa BITAG.
Isang oportunidad daw ang inalok ng kaniyang co-ABS-CBN talent na si “Kaye,” hindi rin tunay na pangalan.
Dahil kasamahan sa industriya ay agad nagtiwala si Laura. Tinanggap niya ang isang music festival project sa Iloilo City. Si Laura ang nagfinance para sa mga kapwa talents na magpeperform sa nasabing okasyon sa Iloilo City.
P507,000 ang napagkasunduang halaga ng proyekto na ibabayad kay Laura at kaniyang mga kapatid.
Subalit nang matapos ang Music Festival, iniwanan si Laura at kaniyang mga kapatid sa Iloilo ng kapwa-talent na si Kaye. Nang maningil si Laura sa napagusapang kabayaran, tinakot pa raw siya ni Kaye na ipatatrabaho silang magkakapatid sa Iloilo.
Sa takot ay nagresearch umano si Laura sa internet kung saan maaaring lumapit sa mga reklamong panloloko at pananakot. Dito, lumabas ang pangalan ng BITAG.
Kaya nang makabalik ng Maynila, agad nakipila si “Laura” sa BITAG Action Center sa Timog Quezon City.
Nakita ni Ben Tulfo ang magkahalong takot, galit at phobia ni Laura dahil sa sinapit nilang magkakapatid sa Iloilo City, kaya tinawagan niya ang inirereklamong ABS-CBN talent rin na si “Kaye.”
Sa pag-iimbestiga ng BITAG, girlfriend ng isang congressman ang inirereklamong talent. Kaya umano malakas ang loob nito na bantaan nito sa nagrereklamong singaporean dahil sa kasintahang mambabatas.
Mensahe ni Tulfo, maaaring madawit ang mambabatas sa problemang pinasok ni Kaye kaya pinapili ni Tulfo ang inirereklamo – makikipagmatigasan o makikipagtulungan.
Nangako ang inirereklamong talent na pupunta sa BITAG Action Center para harapin at sagutin ang mga inirereklamo ng kapwa talent na si Laura.
Subalit kinakabukasan, umaga pa lang ay muling bumalik si Laura sa BITAG upang ibalita na ipinadala na ni Kaye sa kaniyang bank account ang kabuuang bayad sa proyekto.
Sa kabila ng pasasalamat ni Laura at kaniya mga kapatid, isang mensahe ang kanilang iniwan para sa mga kapwa-millennials – ‘wag basta magtiwala lalo sa mga bagong kakilala at maging paladuda sa lahat ng bagay.
PANOORIN ang buong imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.