Ipinasara ng Makati City government ang opisina ng Smart Communications dahil sa umano’y pag-ooperate ng walang business permit at hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Sa inilabas na pahayag ng Makati LGU, nabigo ang Smart na makuha ang relief ng korte sa P3.2 bilyong franchise tax simula Enero 2012 hanggang Disyembre 2015.
“When businesses in Makati choose to operate without a valid business permit, they are essentially operating outside the law. This is unacceptable, and I want to make it clear that we will not tolerate this kind of behavior, whether you are a big or small company,” ayon kay Makati City Administrator Claro Certeza.
Ang ipinasarang headquarters ng Smart Communications ay ang kanilang tanggapan sa 6799 Ayala Ave. sa Brgy. San Lorenzo, Makati City.
“You are hereby commanded to cease and desist from further operating your business establishment until such time compliance with the said ordinance is made,” ayon sa desist/closure order.
Taong 2016 nang mag-umpisang mag-imbestiga ang Office of the City Treasurer sa umano’y P3.2 billion buwis na hindi binabayaran ng telecommunications company (Telco) sa lungsod.
Ayon kay Certeza, inutusan nila ang Smart na magsumite noon ng mga breakdown ng mga kinita at binayaran nilang buwis sa lahat ng branch subalit tumanggi daw ang kumpanya na mag-presinta ng mga dokumento.
Samantala, sinabi naman ng Smart na nakatuon sila sa pagbabayad ng buwis. Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa Makati LGU at tiniyak ang publiko na tuloy-tuloy at accessible pa rin ang serbisyo nila sa lahat ng subscribers.
“Smart remains committed to complying with Makati City’s local tax ordinances, and with applicable national laws, in respect of local taxation,” ayon sa telco.
“Smart has filed the appropriate cases to resolve outstanding legal issues; these cases remain pending,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Mayor Abby Binay na ipinatutupad nila ang mataas na uri ng kalidad ng pagnenegosyo sa Makati.
“I am committed to making sure all businesses are operating legally. It is important for businesses to know that we take these matters seriously and will take action when necessary,” ayon sa alkalde.
Sa datos ng LGU, 191 business establishment na ang naipasara nila noong nakarang nakaraang taon dahil walang mga business permit.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.