Tila nasayang ang ginawa ni Justin Brownlee at ang paghahabol ng Gilas Pilipinas ng matalo sa Jordan 91-90 sa huling laban sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Philippine Arena kahapon.
Sa first half palang ng laban naging matindi na ang opensa ng Jordan na gumawa agad ng 12 3points habang lima lang ang nagawa ng Pilipinas. Naging maluwag din ang depensa ng Pilipinas kaya natambakan ng Jordan. Natapos ang first half sa score na 41-60 lamang ang Jordan.
Sa second half nabuhay naman ang depensa at opensa ng Pilipinas. Naging agresibo ang pag atake ng Pilipinas para maka-score sa loob ng court ng Jordan habang uminit din sa tres ang national team. Gumawa ng limang three points ang naturalized import ng Pilipinas na si Justin Brownlee.
Natapos ang third quarter na anim na lang ang lamang ng Jordan 64-70.
Pagdating sa fourth quarter nagpalitan nang opensa ang dalawang koponan. Naging maayos ang depensa ng Pilipinas kaya nakahabol sila at naitabla nila ang score 81-81 pagdating sa five minute marker ng fourth quarter. Sa huling yugto ng laro ay meron sanang tsansa na makalamang ang Pilipinas 90-91 ng ma-foul si Scottie Thompson ngunit hindi niya naipasok ang dalawang free throw. Sa huli ay panalo ang Jordan 91-90.
“Biggest missed free throws ko sa career ko,” Saad ni Thompson
“I’m gonna learn from this and sobrang dami kong nabigong mga Pilipino so, masakit for me but I think ito yung pinakabest na niremind sakin na I have to get better.” dagdag pa nito.
Nanguna sa opensa si Justin Brownlee na naka-score ng 41 points habang nakagawa naman si Jamie Malonzo ng 11 points.
Nanguna naman para sa Jordan si Dar Tucker na nakagawa ng 22 points habang si Freddy Ibrahim ay nakapag ambag ng 19 points.
Kahit na natalo ang Pilipinas ay pasok parin ito sa FIBA World Cup dahil kabilang ito sa mga magho-host ng torneyo na kasama ang Japan at Indonesia.Sunod na paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang Southeast Asian Games o SEA Games na gaganapin sa Cambodia.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.