Isang linggong tigil-pasada sa buong bansa ang ikinasa ng iba’t ibang grupo ng transportasyon sa kalakhang Maynila simula Marso 6 hanggang Marso 12.
Mariing pagtutol ito ng grupo sa nakatakdang pag-phase out ng Department of Transportation sa mga tradisyunal na dyip sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Ayon kay Mar Valbuena, presidente ng Manibela transport group, “hindi lang po tigil pasada, itatambak po namin sa harapan ng LTFRB yung aming mga tradisyunal jeepney at UV Express para doon niyo Makita kung gaano ho kami karami.”
Ganunpaman, nanghingi na ng pang-unawa si Mar Valbuena sa mga pasaherong maaaapektuhan ng kanilang kilos-protesta
“Sa Metro Manila alone po siguro po nasa 40,000 po na sasakyan ang mawawala po sa lansangan, iba pa po ang mga nasa probinsya. Ayaw po nating gawin ito, inuulit natin, ayaw po nating gawin ito pero saan po kami lulugar kung ngayon pa lamang po ay pinapatay na ang aming hanapbuhay at ngayon pa lamang po stressed na stressed na po yung ating mga kasamahan,” saad ni Valbuena.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na makipag-usap muna ang mga grupo sa concerned government agency bago sila magkilos protesta.
“Maybe we should think carefully about stopping operations. We should talk first. Let’s understand what the issues are because maybe we just don’t understand each other,” ayon sa kalihim.
Layunin ng PUV modernization program na palitan na ang mga tradisyunal na jeepney ng mga sasakyang pinapagana ng mas environment-friendly na mga gasolina.
Nauna nang inanunsyo ng DOTr na extended hanggang June 30 ang deadline ng pag-phase out nila sa mga dyip. Marso ang dapat sanang deadline sa mga PUJ sa iba’t ibang mga probinsya habang hanggang Abril naman sa Metro Manila.
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.