Problema sa disinformation at hate speech sa social media ang gustong tutukan at bantayan ngayon ng mga tech firm, nasa akademya at myembro ng mga civil organization.
Kasunod nito ang kanilang panawagan sa international community na mag-isip ng mga hakbang laban sa pagpapakalat ng mga umano’y kasinungalingan at fake news sa mga digital platform.
Sa isinagawang Internet for Trust Conference noong nakaraang linggo, sinabi ni UNESCO Director-General Audrey Azoulay na dapat kumilos ang mga bansa upang mapalaganap ang tama at totoong impormasyon para sa kabutihan ng lahat.
“The blurring of boundaries between true and false, the highly-organized denial of scientific facts, the amplification of disinformation and conspiracies – these did not originate on social networks. But, in the absence of regulation, they flourish there much better than the truth. Only by taking the full measure of this technological revolution can we ensure it does not sacrifice human rights, freedom of expression and democracy. For information to remain a common good, we must reflect and act now, together,” pahayag ni Azoulay.
Hinimok din ng opisyal ng UNESCO ang lahat ng mga bansa na makipagkaisa, tiyakin ang freedom of expression, maghanap at tumanggap ng mapagkakatiwalaang impormasyon habang ipinaiirl ang karapatang pantao.
Sa buwan ng Setyembre ngayong taon inaasahang magaganap ang konsultasyon na dadaluhan ng mga stakeholder mula sa iba’t ibang mga bansa.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.