Balak ng Philippine National Police (PNP) na pumasok sa isang kasunduan kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy upang paigtingin ang seguridad sa katubigan ng bansa.
Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ito ay upang pigilan ang paglaganap ng mga transnational crimes katulad ng smuggling at human trafficking partikular sa boundary ng Indonesia at Malaysia.
“We want to have a memorandum of understanding with the PCG and Navy to secure our seas and prevent the entry of contraband,” wika ni Azurin noong Lunes.
Ayon kay Azurin, limitado ang kakayahan ng PNP Maritime Group na paigtingin ang seguridad sa baybayin ng bansa.
Dahil limitado rin ang kanilang mga kagamitan, kailangan magsasanib pwersa ng tatlong law enforcement agencies ayon kay Azurin.
Kamakailan, bumili ang PNP ng P1.2 bilyon halaga ng mga kagamitan upang palakasin ang kapasidad ng pambansang kapulisan.
Kasama dito ang dalawang tactical vessel at 200 patrol vehicles.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.